^

Bansa

Pangulong Marcos, Vice President Sara bagsak trust, performance ratings - OCTA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos, Vice President Sara bagsak trust, performance ratings - OCTA
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Vice President Sara Duterte on January 25, 2024.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nakapagtala nang pagbaba sa trust at performance ratings sina Pang. Ferdinand ‘’Bongbong’’ Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa unang bahagi ng taong 2024, base na rin sa pinakahuling resulta ng survey ng OCTA Research Group.

Kahit may pagbaba, karamihan pa rin sa mga adult Pinoy ay patuloy pa ring nagtitiwala at aprub sa performance nina Pang. Marcos at VP Sara.

Batay sa survey, si Pang. Marcos ay nakapagtala pa rin ng 69% trust ratings, bagamat mas mababa ito ng anim na puntos sa 75% trust na nakuha nito noong ­Disyembre 2023 habang 65% ang kanyang performance rating.

Nakakuha ng pinakamataas na trust rating ang Pangulo sa Balance Luzon (79%) habang pinakamababa sa Mindanao (48%).

Samantala, si VP Sara ay nakakuha ng 68% trust, mas mababa ng siyam na puntos mula sa 77% noong December 2023 habang nasa 64% ang kanyang performance.

Pinakamataas ang nakuhang trust ni Sara sa Mindanao (95%) at pinakamababa sa ­Balance Luzon (57%).

Ang survey na isinagawa mula Marso 24-27, 2024 ay nilahukan ng 1,200 respondents na edad 18-taong gulang pataas.

vuukle comment

RATINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with