^

PM Sports

Paat patuloy ang ratsada sa Thailand

Chris Co - Pang-masa
Paat patuloy ang ratsada sa Thailand
Mylene Paat.

MANILA, Philippines — Patuloy ang mainit na ratsada ni opposite hitter Mylene Paat matapos tulungan ang Nakhon Ratchasima na makuha ang 25-21, 25-18, 27-25 pa-nalo laban sa Proflex RSU sa 2021-22 Volleyball Thailand League kahapon sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand.

Nasandalan nang husto ng Nakhon Ratchasima si Paat sa attack line matapos pakawalan ang matatalim na cross courts nito kasama pa ang matatalim na service aces upang masikwat ng tropa ang ikaapat na panalo.

Nagtala ang dating Adamson University standout ng 25 puntos mula sa 19 attacks at anim na aces para pamunuan ang opensa ng Nakhon Ratchasima.

Tinapos ng Nakhon Ratchasima ang first round tangan ang 4-3 rekord sapat para okupahan ang No. 4 spot at magpatuloy sa kampanya sa second round ng torneo.

Inaasahang itotodo na  ng Nakhon Ratchasima ang buong puwersa nito sa second round dahil bawat laro ay magiging krusyal na upang makapasok sa medal round.

Anim na koponan na lamang ang natitira sa second round kabilang ang Nakhon Ratchasima.

Maganda ang inilaro ni Paat sa first set kung saan hawak ng Nakhon Ratchasima ang dikit na 22-21 kalamangan nang pakawalan ng Pinay spi-ker ang tatlong sunod na aces para tapusin ang set.

Muling bumanat si Paat sa second set nang itarak ang tatlong sunod  na aces para isara ang naturang yugto sa 25-17.

Nakatabla ang Proflex sa third set sa 25-all ngunit kumana si Kanyaphat Khunmat ng crosscourt kasunod ang solidong block para sa panalo ng tropa ni Paat.

vuukle comment

MYLENE PAAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with