^

PSN Palaro

Cone bumubuo na ng game plan para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mapapalaban ng husto ang Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na idaraos sa Hulyo sa Riga, Latvia.

Inaasahang ipaparada ng host Latvia at Georgia ang pinakamalakas na lineup nito lalo pa’t isang silya lamang ang nakataya para sa Paris Olympics.

Kaya naman iniha­handa na ni veteran mentor  Tim Cone ang magiging game plan nito para masigurong nasa war mode ang Gilas Pilipinas.

Posibleng iparada ng Latvia si Boston Celtics big man Kristaps Porzingis para pamunuan ang kampanya ng kanilang tropa sa Olympic qualifiers.

“Those are the games we are looking at, so maybe two or three peripheral players will be changed for Latvia and Georgia but the core will be intact,” ani Cone.

Naglaro rin para sa Latvia sina Andrejs Grazulis at Arturs Zagars noong 2023 FIBA World Cup na ginanap sa Pilipinas kung saan tumapos sa ikalimang puwesto ang European squad.

Matatandaang ginulantang ng Latvia ang world No. 5 France sa group stage ng FIBA World Cup.

Pinataob din nito ang top seed Spain at No. 10 Italy.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with