^

PSN Showbiz

Pilita, hinihintay ding maging National Artist!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Pilita, hinihintay ding maging National Artist!
Janine at Pilita
STAR/File

Napakaganda ng effort ni Janine Gutierrez na ipagproduce ang legacy ng kanyang lola na si Pilita Corrales ng isang docu-film sa pakikipagtulungan ng Voyage Films nina direk Babyruth Villarama and editor Chuck Gutierrez na siya ring gumawa ng MMFF Best Picture na Sunday Beauty Queen.

Exciting ito, at sana magiging proof din ng legacy ni Tita Pilita ito kapag nakunsidera na siya sa pagka-National Artist.

Deserving naman siya di ba?

Docu sa shutdown ng ABS-CBN, ‘di na tuloy?

Teka, ano na kaya ang nangyari sa docu nina Babyruth at Chuck with Chiara Zambrano and Jeff Canoy about the ABS-CBN Shutdown? Magkakaibigan pa ba sila? Totoo kaya ang balita nagkaroon sila ng falling out?

Sayang, sana natapos nila at maipalabas ang importanteng paglalahad ng naganap sa ABS-CBN at ang naging kontribusyon nila sa free press sa bansa.

Suportahan natin ang mga dokyung Pinoy at pahalagahan talaga ang mga nagsasabi ng katotohanan.

Kris, nagpasalamat sa mga nagdasal

Nagpapasalamat si Kris Aquino sa lahat ng mga nagdarasal para sa kanya; at sa pamamagitan ng pag-uusap nila ng kanyang kaibigang si Dindo Balares, naiintindihan natin ang nagpasalin-salin na dugo mula sa genes ng kanyang parents at grandparents hanggang kay Kris.

Sabi niya, “My dad’s dad died 55 years old from a massive heart attack. My dad had his heart attack and triple bypass at 47. Noy had an angioplasty 5 weeks before he die. Di ba nga that’s why we have broken hearts?” Broken hearted ba ulit si Kris? At least hindi broken spirits. Worried si Kris sa findings ng kanyang cardiologist, lalo’t wala pang puwedeng gawin para maisaayos sa ngayon na napakababa ng kanyang timbang.

Pero hindi nito napigilan ang kanyang tuwa sa latest findings naman sa kanyang autoimmune disease.

Finally, pagkaraan ng ilang taon nang pagpapagamot na walang nakikitang progreso, walang natatanaw na liwanag, tinablan na ito sa wakas ng itinaas na dosage ng methotrexate plus Dupixent.

Ate Guy, binawalang magbiyahe

“Hindi siya binigyan ng doctor ng travel clearance. Sayang nga eh mas maganda sana kung nandito siya.” Yan ang sabi ng isang kaibigan namin na nasa Cannes referring to our Superstar Nora Aunor na hindi nakapunta sa Cannes Film Festival para sa screening ng kanyang pelikulang BONA sa Cannes Classic.

Bakit kaya hindi siya pinayagan ng clearance? Sana naman ay nasa mabu­ting kalagayan ang ating National Artist.

Ang tanong, maipapalabas kaya ang restored version ng Bona rito sa Metro Manila Film Festival Sine Singkuwenta? Sana naman. Attend na kaya dun si Ate Guy? Sana rin.

Sheree, balik sa pagpapa-sexy

Balik sa pagse-sexy show pala si Sheree na may solo concert soon sa Music Museum. Ito kaya ay puwede niyang ipagmalaki at ipanood sa kanyang anak? Kumusta kaya ang co parenting arrangement nila ni Gian Magdangal na mukhang settled na sa bagong niyang partner na si Lara Maigue? Wala bang bagong lovelife si Sheree na magpapabago ng direksyon ng career at buhay?

Nakakata-quote:

Haay, Pinas, tila ginawa nang patron saint mo si Hudas. -BODJIE DASIG

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with