^

Metro

2 bus driver ‘guilty’ sa pagkamatay ng lady journalist

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 bus driver �guilty� sa pagkamatay ng lady journalist
Sa 9-pahinang desisyon ng QC-RTC Branch 83, napatunayang “guilty” ang mga bus driver na sina ­Daniel Espinosa at Victor Ancheta sa kasong “reckless imprudence resulting in damage to property with homicide”.
File Photo

MANILA, Philippines — Hinatulan ng ­Quezon City Regional Trial Court (RTC) ng dalawang taong pagkabilanggo ang da­lawang bus driver na nasa likod ng aksidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na naging sanhi ng pagkamatay ng veteran journalist Chit Estella, may 13 taon na ang nakararaan.

Sa 9-pahinang desisyon ng QC-RTC Branch 83, napatunayang “guilty” ang mga bus driver na sina ­Daniel Espinosa at Victor Ancheta sa kasong “reckless imprudence resulting in damage to property with homicide”.

Inatasan naman ng korte ang may-ari ng bus company ng dalawang bus driver  na magkatuwang na bayaran ang halagang  P7.46 milyon at dagdag na attorney’s fees at halaga ng nagastos sa kaso ng asawa ni Estella na si retired UP professor Roland Simbulan.

Si Estella ay namatay noong May 13, 2011 habang sakay ng taxi na papunta sa UP ­Ayala Technohub sa may Commonwealth Avenue, Quezon City para makipagkita sa mga kaibigan.

Nakasaad sa court record na nabangga ng bus na minamaneho ni Ancheta ang sinasak­yang taxi ni Estella na nakaupo sa likod ng taxi.

Sa lakas ng impact ng pagkabangga,  ang taxi ay nahagip naman ng isa pang humahagibis na bus na minamaneho naman ni Espinosa at nabangga nito ang rear section ng taxi na ikinasawi ng nasabing mamamahayag.

vuukle comment

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with