^

Metro

Lalaki, biktima ng salvage sa Quezon City

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lalaki, biktima ng salvage sa Quezon City
Inilarawan ang biktima na may taas na 4’9”, nasa edad 35 hanggang 40, payat, may tattoo na “STEPH MAY” sa kanang balikat at “SHEILLA FAYER”, at  tribal tattoo pa sa likod. Nakasuot ito ng puting long sleeve shirt at white checker short pants.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay at may mga tama ng bala ng baril sa katawan ka­makalawa ng madaling araw sa Quezon City.

Inilarawan ang biktima na may taas na 4’9”, nasa edad 35 hanggang 40, payat, may tattoo na “STEPH MAY” sa kanang balikat at “SHEILLA FAYER”, at  tribal tattoo pa sa likod. Nakasuot ito ng puting long sleeve shirt at white checker short pants.

Sa pagsisiyasat ni PStaff Sgt. Erwin Jay Mendez ng QCPD-Cri­minal Investigation and Detection Unit (CIDU), natagpuan ang bangkay dakong ala-3:39 ng madaling araw nitong Linggo sa panulukan ng No. 483 Polagon St. at Binhagan St., sa Barangay San Jose.

Sa pahayag ng saksing si Rafael Collado, natutulog siya bandang alas-2 ng madaling araw nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril subalit hindi niya ito pinansin.

Nakarekober ng SOCO team mula sa QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni PLt. Darrel Ebol ng limang basyo ng bala ng baril sa nasabing lugar. Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with