Edu balik Gilas para sa FIBA OQT
MANILA, Philippines — Kumpirmado na ang pagbabalik ni AJ Edu sa Gilas Pilipinas na maghahanda para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na lalarga sa Hulyo sa Riga, Latvia.
Inaasahang makakasama si Edu sa oras na magsimula ang training camp ng Gilas sa Hunyo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Regular na nagkakausap sina Edu at Gilas coach Tim Cone.
Sumailalim sa rehabilitasyon si Edu matapos itong magtamo ng injury habang naglalaro ito para sa Toyama Grouses sa Japan B. League noong Disyembre.
“He’s not yet back to playing but he’s at the very edge of ending his rehab process. He’s going from Japan to London and has a physiotherapist to work with. So he should start playing in a week or two and he should be fine and ready to go on the 21st,” ani Cone.
Para kay Cone, malaking tulong ang pagbabalik ni Edu sa lineup upang mas lalong mapalakas ang depensa ng tropa sa shaded area.
“AJ is a key guy because he’s our true big man stopper. He’s gonna be the guy to guard (Boston Celtics big man Kristaps) Porzingis, poor guy, or (Orlando Magic’s) Goga (Bidatze of Georgia). So he’s got the tough job and we’re gonna need him,” ani Cone.
Matatandaang hindi nakapaglaro si Edu sa first window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers noong Pebrero kung saan nanalo ang Gilas kontra sa Hong Kong at Chinese-Taipei.
Bago ang FIBA Olympic Qualifiers, sasabak muna ang Gilas sa tuneup games kontra sa Turkey at Poland sa Europe bago tumulak sa Riga, Latvia.
- Latest