Inahas ang bf ng bestfriend
Dear Dr. Love,
Abot langit po ang pagsisisi ko ngaÂyong nahihirapan na ako at hindi malaman kung saan kukuha ng pagkain para sa dalawa kong anak.
Iniwanan na ako ng siyam na taon kong live-in partner na inagaw ko lang sa aking matalik na kaibigan. Hindi ko po lubos na maÂisip kung bakit nagawa ko iyon kay Virgie na itinuring akong kapatid sa kabila ng pagkaÂkaiba namin ng antas ng pamumuhay.
Siya ang nagbabayad ng aking tuition fee at nagbibigay ng regular na allowance sa araÂÂwang pagpasok ko sa paaralan. IpinagÂlilinis ko naman siya ng tirahan at nagluluto ng aming pagkain kung ayaw na niyang kumain sa labas.Â
Nangako sa akin si Virgie na sa sanÂdaling makatapos na kami kapwa sa pag-aaral, isasama niya ako sa US at doon magtaÂtrabaho sa nursing home ng kanyang pamilya.
Mahal ko ang aking kaibigan. Pero ang kataÂpatan ko sa kanya ay nahaluan ng pag-iimbot nang makita ko ang kanyang boyfriend. Na-love-at-first-sight ako kay Harry kaya lahat ng alam kong paraan para maakit siya ay ginawa ko. At nagtagumpay ako, nahuli kami ni Virgie na nagroromansa at parehong pinalayas. Ang sabi ni Virgie, nag-aalaga pala siya ng ahas.
Dr. Love, gusto ko pong humingi ng tawad kay Virgie at kung hindi pa niya ako ganap na isinusumpa ay hinahangad kong maibalik ang aming pagkakaibigan. Sa palaÂgay n’yo ba ay makukuha ko pa ang kanyang simpatiya?
Gumagalang,
Zony
Dear Zony,
Naniniwala ako na walang sugat na hindi napaghihilom ng panahon. Marahil kung maÂipapakita mo ang sinseridad sa iyong pagsisisi ay makukuha mo ang pagpapatawad ng kaibigan.
Huwag mo sanang kalimutan ang mahaÂlaÂgang leksiyon na itinuro ng iyong karanasan at ang mapait na pagkawala ng isang tapat na kaibigan.
Dr. Love
- Latest
- Trending