^

Bansa

1K mahihirap sa Bukidnon may ayuda

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 1,000 indigent families at mga magsasaka ang pinagkalooban ng bigas at tulong pinansiyal sa isinagawang Oath Taking Ceremony at launching ng Rice Distribution program ng Act Agri-Kaagapay Organization sa Bukidnon noong Sabado.

Ang distribusyon ng bigas at financial assistance ay pinangunahan nina Act Agri-Kaagapay founder at president Virginia Ledesma Rodriguez at Valencia City, Bukidnon, Mayor Azucena Huervas upang makalikha ng programa na magbibigay sa mga mahihirap at vulnerable families ng saku-sakong bigas at cash na magagamit nila sa pagsisimula ng pagkukunan ng kabuhayan.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga political leaders sa lalawigan ng Bukidnon at sinaksihan ng libu-libong residente ng Valencia City, Bukidnon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Rodriguez na mag-sponsor rin siya ng iba’t ibang seminar kung paano gumawa ng organic fertilizers sa Valencia City.

Ani Rodriguez, makakatulong ito sa mga magsasaka na magkaroon ng masaganang ani sa lahat ng produktong agrikultural, sa pamamagitan nang paggamit ng organic materials na mula sa kanilang sariling bakuran.

Aniya, prayoridad ng Act Agri-Kaagapay ang mga lugar sa Visayas at Mindanao at sa Luzon, kung saan hindi sapat ang suplay ng abot-kaya at de kalidad na bigas.

vuukle comment

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with