^

Bansa

‘Dapat Malacañang ang lumalapit’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Sa dalas ng provincial trips ni Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Dahil sa personal na pamamahagi ng mga tulong at ayuda kaya madalas ang pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lalawigan sa bansa.

Sa pahayag ng Pangulo sa Dumaguete City, Negros Oriental, kung saan siya namahagi ng tinatayang 5,000 land titles sa mga magsasaka doon, ang pagbisita sa mga lalawigan ay nagbibigay ng pagkakataon para makilala niya ang mga ordinaryong Filipino at malaman ang kanilang mga hinaing at isyu sa halip na manatili lamang sa Malakanyang.

Paliwanag niya, na kung papansinin ay dalawa hanggang tatlong araw sa isang linggo ang kanyang inilalaan para sa mga out-of-town.

Hindi na aniya kailangan ang lokal na pamahalaan ang pupunta sa Malacañang kundi dapat ang Malacañang ang lumalapit sa kanila.

Anya pa, kapag siya ay nakaupo lamang sa kanyang opisina at naka -aircondition, ay hindi niya maririnig ang mga hinaing ng kanyang mga kaharap ngayon at hindi rin niya makikita ang kalagayan ng kanilang mga lugar kung hindi niya ito mapupuntahan.

Bago ang pagtungo sa Dumaguete ay nanggaling na rin sa ibat ibang lalawigan sa Mindanao at Visayas ang Pangulo para mamahagi ng ayuda sa mga magsasaka na lubhang naapektuhan ng tagtuyot dulot ng El Niño.

vuukle comment

MALACAñANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with