^

PSN Showbiz

Phillip dedma pa, Naunahan pa ni Herbert!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Phillip dedma pa, Naunahan  pa ni Herbert!
Phillip Salvador.
STAR/ File

Kahit medyo kalmado na ang internet ­users, tuloy pa rin ang pagbaha ng mga suporta ng mga kilalang personalidad kay Joshua Aquino.

Ito ay dahil lahat ng mga nakasama ni Joshua ay pinupuri ang kabaitan niya.

Nag-send ang talent agent na si Bernard Cloma ng photos na kasama nila ni Cong. Toby Tiangco at social media influencer son nitong si Tommy si Joshua.

Ayon kay Bernard nag-aya raw si Bimby na lumabas kaya kumain at namasyal daw sila sa isang mall.

Enjoy na enjoy raw sila lalo na si Joshua.

Hindi rin nakatiis si Herbert Bautista na hindi birahin ang pangungutyang ginawa ng ilang pa-machong podcaster sa panganay ni Kris Aquino.

Siyempre ex ni Kris si Herbert. 

Sa kanyang account sa Threads, sinabi ni Bistek na hindi nakakatawa at never magiging tama ang inihirit ng podcasters sa ngayo’y burado at sibak nang video podcast. “Wala naman ganyanan sa mga may Kapansanan. Hindi nakakatawa at never magiging tama ang mga hirit na ganyan,” ani Bistek.

Pero ang talagang hinihintay ng lahat ay ang sasabihin ng ama ni Joshua na si Phillip Salvador. Hanggang sa sinusulat namin ito ay wala pang lumalabas na statement of support ang actor.

Bakit daw kay former president Digong Duterte very vocal si Phillip nung ibiyahe ito noon sa Hague. Ba’t sa sariling anak daw nito, walang ganun.

Or baka naman hindi lang nito ipinapa-social media ang kanyang suporta sa anak nila ni Kris.                                                   

PHILIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with