Pureblends kukuning head coach si Cardel
MANILA, Philippines — Magbabalik sa liga si Johnedel Cardel bilang bagong head coach ng bagong koponan na Pureblends simula sa PBA Season 50.
Bagama’t hindi pa naisasapinal ang pagpasok sa liga ay maugong na si Cardel ang inaasahang mamumuno sa Pureblends matapos ang isang taong pagkawala sa PBA.
Noong PBA Season 49 Governors’ Cup pa huling nagmando ng koponan si Cardel para sa Terrafirma bago palitan ni Raymond Tiongco.
Napalitan na rin si Tiongco ngayon sa Dyip sa pagpasok ni Ronald Tubid na dating team manager, bilang bagong head coach nito.
Para kay Cardel, inaasahang dalhin niya ang bagong coaching staff sa Pureblends na ayon pa sa mga ulat ay siya na ang nangunguna sa ensayo matapos ang pag-alis ng mga dating coaches nito.
Si Cardel ang nanguna sa makasaysayang playoff appearance ng Terrafirma noong 2024 PBA Philippine Cup na inaasahang dadalhin niya rin sa Pureblends.
Ang dating NorthPort head coach na si Bonnie Tan, inaasahang aakyat ng posisyon, lamang ang nanatili sa Pureblends, habang nasa Terrafirma na ang mga assistant coaches na sina Jaren Jarencio at Jeff Napa.
Hindi pa sigurado kung team manager o team governor ang magiging posisyon ni Tan, habang ang maging ang team manager ng Batang Pier na si Pido Jarencio at assistant na si Waiyip Chong ay inaasahang maging team governor at team manager na rin ng Dyip, ayon sa pagkakasunod.
Isasinapinal na ng NorthPort ang pagbebenta ng franchise ‘lock, stock and barrel’ nito sa Pureblends matapos aprubahan ng PBA Board sakto sa pagdiriwang ng liga ng golden anniversary nito bilang kauna-unahang professional basketball league sa Asya.
- Latest



















