^

PSN Palaro

Galanza hindi isinuko ang laban ng Creamline sa Game 1

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Galanza hindi isinuko ang laban ng Creamline sa Game 1
Nag- celebrate ang Creamline mata- pos lusutan ang Choco Mucho sa Game One ng PVL All-Filipino Conference Finals.
PVL photo

MANILA, Philippines — Bumangon ang nagde­depensang Creamline mula sa 5-9 agwat sa fourth set para talunin ang sister team Choco Mucho sa Game One ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference Finals sa harap ng 17,457 fans noong Huwebes sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon kay Jema Galanza, wala sa isip niya ang su­muko.

“Kapag nakikita mo ang mga teammates mo na lu­malaban at nagchi-cheer, sino kami para sumuko? Ila­laban talaga namin. Ka­ya sobrang sarap sa fee­ling na nakuha namin ito (panalo),” sabi ni Galanza.

Tumapos ang dating ka­­mador ng Adamson La­dy Falcons sa UAAP na may 20 points sa 24-26, 25-20, 25-21, 25-16 pag­lusot ng Cool Smashers sa Flying Titans sa series opener ng kanilang best-of-three championship series.

Nagdagdag si Tots Carlos ng 17 markers para sa Creamline, habang may 11 points si Bea De Leon mula sa bench.

May siyam na marka si Alyssa Valdez at nag-am­­bag sina Bernadeth Pons, Michele Gumabao at Pangs Panaga ng walo, pito at limang puntos, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni Sisi Ron­dina ang Choco Mu­cho sa kanyang 27 points, habang may 15 markers si Royse Tubino.

Tumipa sina Isa Molde, Maddie Madayag, Maika Ortiz at Deanna Wong ng pinagsamang 19 points.

Matapos isuko ang first set ay inagaw ng Cool Sma­shers ang sumunod na dalawang sets para sa 2-1 bentahe sa Flying Ti­tans.

Sa fourth set ay kinuha ng Choco Mucho ang 9-5 abante bago kumamada sina Galanza at Carlos.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with