Knicks dumikit sa No. 2 sa East a Knicks dumikit sa No. 2 sa East
BOSTON - Humataw si Jalen Brunson ng 39 points para gabayan ang New York Knicks sa 118-109 pagdaig sa NBA-leading Celtics.
Hangad ng New York (48-32) na makopo ang No. 2 seed sa Eastern Conference isang araw matapos makuha ang isang playoff spot.
Pinamunuan ni Jayson Tatum ang Boston (62-18) mula sa kanyang 18 points, samantalang may 16 at tig-15 markers sina Payton Pritchard, Jaylen Brown at Sam Hauser, ayon sa pagkakasunod.
Inilista ng Knicks ang 22-43 abante sa second quarter bago naghulog ng isang 17-0 bomba para ibaon ang Celtics sa halftime, 69-48.
Sa Sacramento, kumamada sina CJ McCollum at Zion Williamson ng tig-31 points para igiya ang New Orleans Pelicans (48-32) sa 135-123 panalo sa Kings (45-35) at kumpletuhin ang five-game season sweep.
Sa Portland, bumato si Stephen Curry ng 22 points para tulungan ang Golden State Warriors (45-35) sa 100-92 panalo sa Trail Blazers (21-59).
Sa Detroit, nagsalpak si DeMar DeRozan ng 39 points sa 127-105 pagsuwag ng Chicago Bulls (38-42) sa Pistons (13-67).
Sa Salt Lake City, umiskor si Luka Samanic ng season-high 22 points sa 124-121 pagtakas ng Utah Jazz (30-50) sa Houston Rockets (39-41) at tapusin ang kanilang 13-game losing skid.
- Latest