^

PSN Palaro

SGL ‘di na puwede sa NCAA Season 100

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling magpapatupad ng mahigpit na patakaran ang pamunuan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) partikular na sa mga student-athletes na naglalaro sa professional leagues.

Sa pagsisimula ng NCAA Season 100 sa Hunyo ay hindi na pahihin­tu­lutan ang mga student-athletes na maglaro sa anumang professional leagues.

Noong pandemya ay bi­nigyan ng NCAA ng pagka­kataon ang mga players nito na makapaglaro sa pro­fessional league sa ila­lim ng programa ng Games and Amusement Board (GAB) na special guest li­cense (SGL).

Bago maglaro sa pro leagues ay kailangan mu­na ng student-athlete na ma­kakuha ng clearance mula sa kaniyang unibersidad na pinapasukan.

Ang kaniyang eskuwe­lahan ang magpoproseso upang makakuha ng pahintulot sa NCAA bago na­man humiling ng SGL sa GAB.

Kapag may SGL ang student-athlete ay maaari na itong makapaglaro sa pro leagues na hindi naaalis ang kaniyang amateur sta­tus at maari pa ring ma­kapaglaro sa NCAA.

Subalit nais na itong tul­dukan ng NCAA.

Magsisimula ito sa da­ra­ting na season ng liga.

Ang sinumang lalabag ay awtomatikong ma­wa­walan ng eligibility pla­ying years sa liga.

Nilinaw ni Arellano University representative to the management committee Peter Cayco na hindi naan na bago ang ganitong patakaran sa NCAA.

Dati na itong ipinatutupad sa liga bago pa man mag-pandemya.

Pinag-aaralan na rin ng liga na baguhin ang pa­takaran sa transferees.

vuukle comment

GAB

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with