^

PSN Palaro

Gold sa Paris Olympics kaya ng mga Pinoy athletes — RSA

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumpiyansa si longtime sports patron Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation (SMC) na makakamit ng Pilipinas ang ikalawang gold medal sa 2024 Paris Olympics.

Ito ay dahil sa pagkakaisa ng mga stakeholders para suportahan ang mga Pinoy athletes na sasalang sa naturang quadrennial event na nakatakda sa Hul­yo 26 hanggang Agosto 11.

“Everything is possible when all the country’s stakeholders work toge­ther. It was just three years ago when Hidilyn Diaz shone in Tokyo for our first gold in the Olympics. And just last year, we grabbed the Asian Games gold in basketball that eluded us for 60 years. So I think another breakthrough is possible,” sabi ni Ang.

Isa ang SMC President at Chief Executive Officer sa mga naging susi sa muling paghahari ng bansa sa Asian Games men’s basketball matapos talunin ng Gilas Pilipinas ang Jordan, 70-60, sa gold medal round.

“That gold medal was the result of the hard work and effort of not just the players and coaching staff, but most especially, MVP himself. The Gilas Pilipinas program is really his brainchild, and without his vision, commitment, and patriotism to see the program through all these years, we probably would not have a champion Gilas team,” dagdag nito.

Hinirang sina Ang at Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) Chairman at President Manny V. Pangilinan bilang Philippine Sportswriters Association (PSA) co-Executive of the Year.

Nagbigay si Ang ng P22 milyon bilang cash incentives sa mga atletang nag-uwi ng medalya sa Tokyo Olympics, kasama ang P10 milyon kay Diaz.

Sina boxers Carlo Paalam at Nesthy Petecio ay nakatanggap ng tig-P5 milyon para sa kanilang silver medals habang P2 milyon kay Eumir Marcial para sa kanyang bronze.

Si Olympian at pole vaulter EJ Obiena ang hinirang na PSA Athlete of the Year ng pinakamatandang sportswriting organization sa bansa.

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with