^

PSN Palaro

Teng maglalaro sa SMBeermen matapos bitawan ng Converge

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Teng maglalaro sa SMBeermen matapos bitawan ng Converge
Pumirma kahapon si Teng ng isang two-year contract sa Beermen para kaagad sumabak sa dara­ting na 2023 PBA Commissioner’s Cup.
STAR / File

MANILA, Philippines — Matapos sa Alaska at Converge ay maglalaro naman si Jeron Teng para sa San Miguel.

Pumirma kahapon si Teng ng isang two-year contract sa Beermen para kaagad sumabak sa dara­ting na 2023 PBA Commissioner’s Cup.

Nauna nang binitawan ng FiberXers ang dating La Salle Gree Archers star at naging isang free agent.

Ang 6-foot-2 na si Teng ang No. 5 overall pick ng Alaska noong 2017 rookie draft at naglaro para sa prangkisa hanggang bilhin ng Converge kung saan muli niyang nakasama ang kanyang college coach na si Aldin Ayo.

Si Teng ang second-lea­ding scorer ng Converge sa nakaraang PBA season sa kanyang ave­rage na 12.9 points a game sa ilalim ni Maverick Ahanmisi na lumipat sa Barangay Ginebra.

Makakasama ni Teng sa backcourt ng San Mi­guel ni coach Jorge Gallent sina CJ Perez, Jericho Cruz, Chris Ross at Marcio Lassiter.

Ipaparada ng Beermen si Teng sa PBA Commissioner’s Cup sa Nobyembre 17 laban sa NLEX.

Magbubukas ang torneo sa Nobyembre 5 tampok ang laban ng TNT at Magnolia.

vuukle comment

JERON TENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with