^

PSN Palaro

Team Philippines level up na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Team Philippines level up na!
Pormal na pinanumpa kahapon nina Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann ang mga bagong opisyales ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa pamumuno ni president Nelson Beltran ng The Philippine Star

Strong performance!

MANILA, Philippines — Ganito tinukoy ni Philippine Olympic Committee president  Rep. Abraham Tolentino ang kampanya ng Team Philippines sa katatapos na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia.

Masaya si Tolentino sa resulta ng kampanya ng Pinoy athletes dahil nalampasan nito ang 52-gintong medalyang nasikwat ng delegasyon noong 31st edisyon ng SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

“It was really a strong performance,” ani Tolentino sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Rizal Memorial Sports Complex.

Binubuo ang Team Phi­lippines ng 840 atleta na nakapagbulsa ng 58 ginto, 85 pilak at 117 tansong medalya sa Cambodia Games.

Mas marami pa sanang gintong medalya ang nakuha ng Pilipinas ngunit hindi ito pinalad sa ilang subjective sports o mga event na binibigyan ng puntos ng mga hurado.

Sa katunayan, sinabi ni Tolentino na sa 87 pilak ng Pilipinas, 40 rito ang posible sanang naging gintong medalya.

“Those 40 medals, nahati sa Vietnam and Cambodia. So, analyze it. Conservatively, (we lost) twenty golds,” dagdag ni Tolentino.

Sa kabila nito, pinuri ni Tolentino ang performance ng mga Pinoy athletes na nagbuhos ng sakripisyo para makapag-uwi ng gintong medalya.

Kapos lamang ito ng isang ginto para mapantayan ang 59 na nakuha ng Team Philippines noong 1987 SEA Games sa Jakarta, Indonesia kung saan nanguna sa kampanya sina dating track queen Lydia de Vega-Mercado, swimmer Eric Buhain at bowlers Paeng Nepomuceno at Crystal Soberano.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with