^

PSN Palaro

NBA veteran kinuha ng Strong Group

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
NBA veteran kinuha ng Strong Group
Nick Young.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Babanderahan ni dating NBA star Nick Young ang Philippine representative na Strong Group Realty team para sa 32nd Dubai International Championship.

Ito ang inihayag kahapon ng Strong Group ukol sa paglalaro ng 11-year NBA veteran at one-time champion sa kanilang koponan.

Nauna nang nagparamdam si Young, ang No. 16 overall pick ng Washington Wizards noong 2007 NBA Draft, sa mga Filipino fans sa pamamagitan ng kanyang tweet ang pagkampanya niya sa Strong Group.

“Pba are y’all ready for swaggy Philippines lets make it happen,” pahayag ng 37-anyos na si Young sa kanyang mga fans sa isang social media post.

Ang Strong Group, pagmamay-ari ni graduating Ate­neo guard at incoming Converge assistant team ma­nager Jacob Lao, ang pa­palit sa Mighty Sports bilang kinatawan ng Pilipinas sa Dubai Cup.

Pinagharian ng Mighty Sports team ang huling edisyon ng torneo noong 2020 kasunod ang pandemya.

Naglaro para sa nasa­bing koponan sina da­ting PBA import Renaldo Balkman at Gilas Pilipinas naturalized center Andray Blatche kasama sina Mikey Williams, Jamie Malonzo at Thirdy Ravena.

Muling kinuha ng Strong Group si dating Mighty Sports coach at St. Be­nilde Bla­zers’ mentor Charles Tiu.

vuukle comment

NICK YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with