^

PSN Palaro

P11 milyong cash bonus ibibigay ng POC sa mga SEA Games medalists

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kabuuang P11 milyon ang ibibigay na cash bonus ng Philippine Olympic Committee (POC) sa mga national athletes na nag-uwi ng 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Ang gold medal ay may katumbas na P100,000, habang ang silver at bronze ay P30,000 at P10,000, ayon sa pagkakasunod.

Ang pondo ay nagmula kina Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation, Ramon Ang ng San Miguel Corp. at Charlie Gonzales ng Ulticon Builders, Inc.

“The POC will always recognize the efforts of the athletes who trained, prepared and fought hard in Vietnam despite the circumstances,” sabi kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Ang insentibong P11 milyon ay hinati sa P5.82 milyon para sa mga gold medalists, ang P3.22 mil­yon sa mga silver winners at P1.97 milyon sa mga bronze winners.

Noong Miyerkules ay dinoble ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P35.53 milyong insentibo ng 227 SEA Games medalists sa isang courtesy call sa Malacañang.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Incentives and Benefits Act, ang SEAG gold medalist ay tatanggap ng P300k at ang silver at bronze medal winner ay bibigyan ng P150,000 at P60,000, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

POC

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with