‘Atletang Ayala’ program inilunsad ng ACES
MANILA, Philippines — May pagkakataon na ang mga national athletes na magsanay at kumita ng sabay.
Ito ay matapos ihayag ng Ayala Center for Excellence in Sports (ACES) ang pagtatatag sa ‘Atletang Ayala’ program na magbibigay ng holistic support sa mga Pinoy athletes.
“The Ayala Group of Companies has long recognized the special qualities athletes bring to the workplace,” ani ACES program director Jan Bengzon.
Sa ilalim ng programa, mabibigyan ang bawat ‘Atletang Ayala’ ng pagkakataong madagdagan ang kanilang income sa pamamagitan ng full-salaried employment opportunities para sa part-time job.
Ang mga atletang mapipili ay magkakaroon ng pagkakataong magamit nang libre ang world-class training facilities ng Ayala Vermosa Sports Hub.
Nakipagtambal din ang ACES sa De La Salle University para makapag-alok ng libreng enrollment sa mga Atletang Ayala na gustong ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Pormal na ilulunsad ang ‘Atletang Ayala’ program matapos matukoy ang walong atleta para sa kanilang inaugural class.
Hinihikayat ang mga interesadong aplikante na mag apply sa pamamagitan ng pagsagot sa form, at pagbisita sa link na ito: https://bit.ly/AtletangAyala.
- Latest