^

PSN Palaro

FIBA Women’s Asia Cup lalarga na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
FIBA Women�s Asia Cup lalarga na
Pat Aquino
Philstar.com / Luisa Morales

MANILA, Philippines — Hahataw na ngayong araw ang FIBA Women’s Asia Cup na tatakbo hanggang Oktubre 3 sa Prince Hamza Arena sa Amman, Jordan.

Handang handa na ang Gilas Women na sumailalim sa pukpukang ensayo sa isang bubble training bago tumulak sa Amman.

Nakumpleto na ng tropa ang quarantine nito kaya’t agad na sumalang sa training ang bataan ni Gilas Women head coach Pat Aquino upang pagpagin ang kalawang sa ilang araw na quarantine.

Aminado si Aquino na daraan sa matinding pagsubok ang kanyang bataan sa naturang Asian meet.

Ngunit hindi basta-basta susuko ang Gilas Women na bitbit ang Pusong Pinoy na palaban.

“We’ll give our best everytime we compete abroad,” ani Aquino sa kanyang naunang panayam.

Sa Setyembre 27 pa ang laro ng Gilas Women.

Nasa Group B ang Pilipinas kasama ang powerhouse teams na China, Australia at Chinese-Taipei.

Unang makakasagupa ng Pinay squad ang China sa Setyembre 27 kasunod ang Australia sa Setyembre 28 at ang Chinese-Taipei sa Setyembre 29.

Tanging ang dalawang mangungunang koponan lamang ang aabante sa semifinals.

Huli itong nasilayan sa aksyon nang masungkit ng tropa ang gintong medalya sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa The Arena sa San Juan City.

Mamanduhan ang tropa nina Afril Bernardino, Clare Castro, Ella Fajardo, Ria Nabalan at Janine Pontejos kasama sina France Mae Cabinbin, Ana Castillo, Kristine Cayabyab, Camille Clarin, Karl Ann Pingol, Nathalia Prado at Marizze Tongco.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with