^

PSN Palaro

Oftana wala pang kontrata sa NLEX

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hanggang ngayon ay wala pa ring kontrata si third pick Calvin Oftana sa NLEX mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas matapos ang PBA Annual Rookie Draft.

Si Oftana na lamang ang rookie draftee na nasa Top 5 pick na wala pang kontrata.

Ngunit ayon sa ilang ulat, pinaplantsa na ng pamunuan ng Road Warriors ang magiging kontrata ni Oftana.

Gayunpaman, sumasalang na sa ensayo ng Road Warriors si Oftana kung saan masaya naman si head coach Yeng Guiao sa ipinapakita nito.

Produkto ng San Beda University si Oftana.

Nagtala ito ng ave­rages na 15.5 points, 8.2 rebounds, 2.5 assists, at 1.1 block noong NCAA Season 95 kung saan nasungkit nito ang Most Valuable Player award.

Bahagi rin si Oftana ng Gilas Pilipinas na sumalang sa second window ng FIBA Asia Cup Qualifiers noong Nobyembre sa Manama, Bahrain.

vuukle comment

CALVIN OFTANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with