^

PSN Palaro

Gumabao tutok muna sa pageant

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gumabao tutok muna sa pageant
Michele Gumabao
STAR/ FIle

MANILA, Philippines — Umaariba si Creamline Cool Smashers Michele Gumabao sa pre-pageant activities ng Miss Universe-Philippines kung saan isa ito sa mga kandidata.

Tutok si Gumabao sa bawat aspeto ng kanyang paghahanda kaya’t isinan­tabi muna nito ang volleyball pansamantala upang maisentro ang kanyang atensiyon sa target nitong masungkit ang korona sa national pageant.

Malaki na ang ipinagbago ni Gumabao sapul noong sumabak ito sa Binibining Pilipinas noong 2018 kung saan napanalunan nito ang Binibining Pilipinas-Globe crown.

Partikular na nabago ang kanyang styling at aura na tila handa nang angkinin ang Miss Universe-Philippines title.

Malaking bentahe nito sa laban ang kanyang husay sa pagsasalita na isa sa pangunahing aspetong hinahanap sa isang beauty queen kaya naman paborito ito ng ilang beauty pageant fanatics.

Ilang komento lamang ang ibinigay ng ilang eksperto - ang tutukan ang pasarella o ang magandang aura sa paglalakad gayundin ang mas payat na pangangatawan.

Mabilis itong makukuha ni Gumabao dahil sanay ito sa hard training sa volleyball.

Mula sa kanyang collegiate career sa ilalim ng paggabay ni veteran mentor Ramil de Jesus sa De La Salle University hanggang sa commercial leagues kasama naman si Thai coach Tai Bundit sa Cool Smashers.

Sa katunayan, may post ito sa Instagram na naka-dilaw na swimsuit na umani na ng halos 50,000 likes at kaliwa’t kanang komento mula sa ibang title holders.

Ayaw magpakampante ni Gumabao kaya’t tuluy-tuloy lang ang preparasyon nito para makuha ang inaasam na kampeonato — este korona.

vuukle comment

MICHELE GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with