^

PSN Palaro

PBA, D-League kanselado rin dahil sa ‘corona’

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PBA, D-League kanselado rin dahil sa �corona�
PBA Comissioner Willie Marcial

Closed-door games pinag-aaralan

MANILA, Philippines — Pansamantalang ki-nansela ng Philippine Basketball Association (PBA) ang Philippine Cup, 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup at 3x3 event dahil sa coronavirus (COVID-19) outbreak.

Nabuo ang desisyon ng PBA Board of Governors ka­sama si Commissioner Willie Marcial matapos ang ilang oras na pagpupu­long noong Martes ng gabi at pormal na inihayag ang a­nunsyo kahapon ng uma­ga.

Nais ng liga na matiyak ang kaligtasan ng mga fans, players, teams, officials at staff kaya’t tumugon ang liga sa panawagan ng gobyerno na nagdeklara ng Public Health Emergency.

“Considering the pre-sent situation surroun­ding CO­VID-19 and the Presidential declaration of Public Health Emergency, it is our paramount duty and res­ponsibility to ensure the health and safety of our fans, players, teams, officials and staff,” ayon sa statement ng liga.

Wala pang petsa kung kailan ipagpapatuloy ang mga laro dahil pinag-a­aralan pa ng liga ang sit­was­yon. Nakadepende rin ito sa magiging anunsiyo ng Department of Health at World Health Organization.

 “The league, however, will assess the effects of COVID-19 on a day-to-day ba­sis guided by the para­meters set by the DOH and WHO and will remain committed to conduct its games and activities in a safe and res­ponsible manner for all its stakeholders,” ayon pa sa statement.

Pinag-aaralan pa ng PBA kung puwede ituloy ang mga laro ngunit walang fans na maaaring makapa­no­od o mas kilala sa tawag na closed-door game.

“Nakita na mas maka-ka­buti na suspend muna. Inisip din yung closed door, pe­ro sa closed door mga 300-400 na tao rin ang gagalaw dun,” ani Marcial.

Hindi natuloy ang laro ng Talk ‘N Text at Phoenix, at ng NLEX at NorthPort sa Philippine Cup kahapon.

Kanselado na rin ang mga laban ng Seaoil-Far Eastern University at APEX Fuel Mindanao-San Sebastian College, Wangs-Colegio de San Juan de Letran at Family Mart-Enderun Colleges, at ng Technological Institute of the PhilippÅines at AMA Online Senior High ngayong araw sa Aspirants’ Cup ng D-League.

“Hindi na namin tinitingnan kung anong impact, kung schedule o pera. Ang iniintindi muna natin yung ka­la­gayan nating lahat. Hindi na natin tinitingnan kung ano mawawala sa amin, anong maaano namin. Ang ma­halaga yung safety ng lahat,” dagdag ni Marcial.

vuukle comment

PBA

PBA D-LEAGUE ASPIRANTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with