^

PSN Palaro

PBA handang tanggapin ang players na babalik

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handa ang PBA na tanggapin ang mga pla­yers na nais bumalik sa liga partikular na sa mga tapos na ang kontrata sa kani-kanyang mother teams sa abroad.

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na bukas ang liga kung saan tatlong players na ang bumalik sa bansa para mu­ling maglaro sa susunod na kumperensiya.

Ayon kay Marcial, hindi nito masisisi ang mga players na naglalaro sa abroad lalo pa’t kung makabubuti ito para sa kanila at kanilang sinusuportahang pamilya.

“Those players who play abroad, for me, that’s OK, they are trying to make a living. That’s good for their future, good for their family,” ani Marcial.

Maihahalintulad ang mga players na ito sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtutungo sa ibang bansa para kumita ng mas malaki.

Ilang players na nagla­laro sa Japan B.League at Korean Basketball League ang natapos na ang kani kanilang kontrata.

Kabilang na rito sina Kiefer Ravena ng Shiga Lake Stars at Thirdy Ra­vena ng San-En Neophoenix na naglaro sa Japan B.League, at si Rhenz Abando na naglaro sa Korean Basketball League kasama ang Anyang.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with