^

PSN Palaro

Cariño tiwala sa kakayahan ng Lady Altas

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Cariño tiwala sa kakayahan ng Lady Altas

MANILA, Philippines —  Handang-handa na ang finalist noong nakaraang taon na University of Per­petual Help Lady Altas sa pagsabak sa Season 95 NCAA women’s volleyball tournament na magbubukas sa Enero 10 sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Nasa final stage na ang Lady Altas sa kanilang pag­hahanda para sa NCAA volleyball tourney na naan­ta­la ng mahigit isang buwan para bigyang daan ang pagdaraos ng 30th Southeast Asian Games no­ong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Nagpahayag si coach Macky Cariño ng ma­laking tiwala sa kanyang koponan sa kanilang pagharap kontra sa College of St. Benilde Lady Bla­­zers sa alas-2 ng hapon sa opening day.

Sa ibang laro, magta­tagpo naman ang LPU La­dy Pirates at ang nagde­depensang Arellano Lady Chiefs  sa alas-12 ng tanghali.

Sinabi nina Cariño at assistant coach Marcelo Joa­quin Jr. na ang kanilang ha­nay ay bubuuin ng limang graduating players ka­bilang na ang anim holdovers at tatlong rookies mu­la sa kanilang pool.

Kabilang sa kanila ay sina team captain Shyra Umandal at Charina Scott na middle blockers, Bicolana Jonah Rosal at Dana Persa bilang opposite hitters, libe­ro Allysa Sanggalang at setter Jenny Gaviola na pu­malit sa nawawalang si Ne­celle Gual kasama sina Cindy Imbo na ngayon ay na­sa Philippine Navy at  sina Jo­wie Verzosa at Hershey Llo­rente.

Matatatandaang uma­bot sa finals ang Lady Altas matapos patalsikin ang  top seed at may ‘twice-to-beat’ advantage na Lady Bla­zers sa semis sa mga iskor na 23–25, 21–25, 25–20, 23–25, at 25–17, 27–29, 19–25, 26–24, 16–14.

Nabigo man sa finals, ngunit pinahirapan ng Lady Altas ang Lady Chiefs, 1-2, para tumapos sa runner-up honor.

“We are now in final stage of our training to face La­dy Blazers in opening match, ito ‘yung aming battery test kung matibay ang team ko,” ani coach Cariño.

Huling nagkampeon ang Lady Altas noong  2012, 2013 at 2014 sa pa­nahon nina Royce Tu­bino, April Sartin, Jane Diaz, Sandy delos Santos, J­a­nice Abar at libero Jheck Dio­nela.

vuukle comment

ARELLANO LADY CHIEFS

LADY ALTAS

MACKY CARIñO

MARCELO JOA­QUIN JR.

NCAA

UNIVERSITY OF PER­PETUAL HELP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with