^

PSN Palaro

Atin na‘to!

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Seag Overall Championship

MANILA, Philippines — Sa natitirang tatlong araw ng labanan ay tila wala nang makakahabol pa sa Team Philippines sa overall medal standings.

Higit sa 100 gintong medalya na ang nakolekta ng mga Filipino athletes mula sa mga panalo sa iba’t ibang sports events kahapon sa Day Eight ng 30th Southeast Asian Games.

Tampok ang itinalang bagong record ni Natalie Rise Uy sa athletics, kumolekta ang bansa ng 105 gold, 81 silver at 88 bronze medals para patuloy na dominahin ang mga kompetisyon.

Nakatakdang paglabanan ngayon sa Day Nine ang kabuuang 80 gintong medalya kasama ang tig-13 sa athletics at boxing, pito sa wrestling, tig-anim sa swimming, taekwondo at jiu-jitsu at apat sa karatedo events.

Sa Day 10 bukas ay pag-aagawan naman ang 51 gold medals kung saan may nakatayang 13 sa athletics, pito sa wrestling, anim sa jiu-jitsu, lima sa kickboxing, tatlo sa billiards at tig-dalawa sa basketball, cycling, esports, shooting at indoor hockey.

Sa athletics, inangkin ng 25-anyos na si Uy ang gold medal sa pole vault event  matapos magtala ng 4.25m para talunin sina Chayanisa Chomchuendee (4.10m) at Chonthicha Khabut (4.00m) ng Thailand.

Sinira ni Uy ang dating 4.21m ni Sukanya Chomchuendee ng Thailand na naitala niya noong 2013.

Ito ang ikaapat na ginto ng bansa sa athletics matapos ang mga panalo nina Kristina Knott (women’s 200m), Ernest John Obiena  (men’s pole vault) at Christine Hallasgo (marathon).

Sa rowing, sinagwan ni Melcah Jen Caballero ang gintong medalya matapos magsumite ng tiyempong 7:50.89 sa women’s lightweight scull.

Nakipagtambal si Caballero kay Joanne Delgado para pagreynahan ang women’s lightweight double sculls at ibulsa ang ikalawa niyang gold medal.

Tuluyan namang nakamit ni Christiana Means ang inaasam niyang gintong medalya nang pagreynahan ang women’s skateboarding park event.

Natalo si Means kay 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal sa finals ng women’s Game of S.K.A.T.E. at street skateboarding events.

Sa golf, hinataw ni B­ianca Pagdanganan ang kanyang ikalawang ginto matapos makasama sina Lois Kaye Go at Abegail Arevalo sa pagrereyna sa women’s team event.

Nagwagi si Pagdanganan sa women’s individual kamakalawa.

Muli namang nagreyna ang Blu Girls sa women’s division sa ika-10 sunod na pagkakataon habang naghari ang mga Pinoy sluggers sa men’s baseball.

Nag-ambag ng dalawang ginto sina Susan Larsson at Jhondi Wallace sa wakeboard and waterski competition.

Inangkin naman ng Philippine Volcanoes ang gold medal sa men’s rugby 7s matapos durugin ang 2017 champions na Malaysia, 19-0 habang nakuntento sa silver ang Lady Volcanoes nang yumukod sa Thailand, 7-17.

vuukle comment

BLU GIRLS

ERNEST JOHN OBIENA

MELCAH JEN CABALLERO

NATALIE RISE UY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with