^

PSN Palaro

Bolts kumuha ng ‘twice-to-beat’

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na napigilan pa ang Meralco sa pag-angkin sa isa sa apat na ‘twice-to-beat’ incentive sa eight-team quarterfinal round.

Humataw ang Bolts sa fourth quarter para talu­nin ang NorthPort Batang Pier, 103-89, at dumiretso sa kanilang pang-limang sunod na ratsada sa 2019 PBA Governor’s Cup kaha­pon sa Ynares Center sa An­tipolo City.

Nakahugot ang Meralco ng magandang laro mu­la kay point guard Anjo Ca­ram na nagtala ng 30 points para itaas ang ka­nilang baraha sa 8-2 kasa­bay ng pagpapalasap sa NorthPort ng ikalawang di­kit nitong kabiguan para sa 3-6 marka katabla ang Alaska.

“My role in this team is to relieve Baser (Amer),” sa­bi ni Caram na nagsalpak ng apat na three-point shots. “Hindi ko na inintindi ang score, basta nag-focus lang ako sa gameplan namin.”

Naging dikitan ang laro mula sa first period hanggang sa halftime kung saan binitbit ng Bolts ang 50-45 abante bago iniwanan ang Batang Pier sa pagtatayo ng 11-point lead, 63-52, sa 6:28 minuto ng third quarter.

Ngunit isang mahabang 17-9 atake ang inilun­sad ng NorthPort sa pa­ngu­nguna ni import Michael Qualls para makalapit sa pag­tatapos ng nasabing yugto, 69-72.

Isang 12-3 bomba ang isinagot ng Meralco sa likod nina Caram, two-time PBA Best Import Allen Durham at Chris Newsome para ita­la ang 12-point advantage, 84-72, sa 8:13 minuto ng final canto.

Napatalsik naman si NorthPort Fil-German big man Christian Standhar­dinger sa huling 4:18 minuto ng labanan matapos ma­­kuha ang ikalawang tech­nical foul na nagbaon sa kanila sa 80-90.

Tumapos si Durham na may 26 points, 19 rebounds at 3 assists para sa pag-angkin ng Bolts sa solong liderato.

vuukle comment

2019 PBA GOVERNORS CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with