^

PSN Palaro

Pacers nagpaulan ng tres sa Lakers

Pilipino Star Ngayon
Pacers nagpaulan ng tres sa Lakers
Ipinalasap ng Pacers ang pinakamasamang ka­biguan ni Lakers star LeBron James sa kanyang career.

INDIANAPOLIS -- Umis­­kor si guard Bojan Bogdanovic ng 24 points at pinantayan ng Indiana Pacers ang NBA franchise record sa pagsasalpak ng 19 three-pointers sa kanilang 136-94 pagdurog sa Los Angeles Lakers.

Ipinalasap ng Pacers ang pinakamasamang ka­biguan ni Lakers star LeBron James sa kanyang career.

Nauna nang natalo ng dalawang beses ang tropa ni James ng 36 points.

Nagdagdag si Myles Turner ng 22 points at nag­lista si Thaddeus Young ng 12 points, 11 rebounds at 8 assists para sa ikatlong sunod na ratsada ng Indiana.

Tumapos naman si James na may 18 points, 9 rebounds at 7 assists para sa Los Angeles sa ikalawa niyang laro matapos magkaroon ng groin injury sa Christmas Day.

Hindi siya naglaro sa fourth quarter para sa La­kers, nakahugot kay center JaVale McGee ng 16 points.

Sa Charlotte, tumipa si Tobias Harris ng 34 points, kasama ang running jumper sa huling 4.3 segundo para tulungan ang Los Angeles Clippers na makabangon mula sa 20-point deficit sa 117-115 paglusot laban sa Hornets, 117-115.

Ang kapos na 3-point attempt ni Marvin Williams sa pagtunog ng final buzzer ang tuluyan nang nagpaguho sa tsansa ng Charlotte.

Nag-ambag si Lou Williams ng 31 points para sa Clippers.

Humataw naman si Kemba Walker ng 32 points para sa Hornets.

Sa Cleveland, naglag­lag si Jayson Tatum ng 25 points habang may 18 markers si Gordon Hayward sa 103-96 paggupo ng Boston Celtics kontra sa Cavaliers.

Ito ang pang-limang sunod na arangkada ng Celtics sa kabila ng hindi paglalaro ni All-Star guard Kyrie Irving.

Si Irving ay may strained left hip at nabigong labanan ang dati niyang koponan.

vuukle comment

BOJAN BOGDANOVIC

NBA FRANCHISE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with