^

PSN Palaro

Mam Candy inangkin ang Philracom Sampaguita Race

Pilipino Star Ngayon
Mam Candy inangkin ang Philracom Sampaguita Race
Dinomina ni Mam Candy ang Sampaguita Stakes race para maibulsa ng owner na si Christian Daniel Velasco ang P1.2 milyon premyo.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Nasungkit ng beteranong jockey na si Jordan Cordova at ang kanyang Mam Candy ang kanilang unang panalo matapos dominahin ang 2018 Philippine Horse Racing Commission's Sampaguita Stakes Race noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang Mam Candy na nirendahan ni Cordova at  pag-aari ni Christian Daniel Velasco ay nakiramdam muna sa loob ng halos tatlong quarters bago humataw sa huling 300 metro para tuluyan ng iwanan ang mga karibal kabilang na ang speedster  Brilliance ng SC Stockfarm at pumapangalawang Secret Affair sa likuran ng halos three-length.

Sa kanyang panalo sa oras na 1:53.4, nag-uwi ang     Mam Candy ng mahigit P1,200,000 habang ang trainer na si Jose Mario Jacob ay umani ng P70,000 breeder’s prize.

“Sinunod lang namin 'yung game-plan nu'ng trainer (Jacob). Pinakiramdaman muna namin 'yung takbo, bago kami humataw doon sa huling diretso,” pahayag ni Cordova.

Ang pumapangala­wang Antonio V. Tan's Sec­­ret  Affair ni CS Pare Jr., ay kumita rin ng P450,000 at P250,000 naman sa Heiress of Hope ni Benhur Abalos na tumapos sa ikatlong puwesto.

Tumapos sa pang-apat na puwesto ang Real Flames (owner George Raquidan, jockey RG Fernandez) at nag-uwi ng P100,000.

Sa ibang resulta sa karera ng Manila J­ockey Club, ay nanalo ang Electric Dreams (4th PPP Trophy Race), Hidden Light  (Dalampasigang Manila Bay Trophy Race), Lucky Saver (Buhay Isang Awit Foundation Charity Race), Silver Glow (Senate Spouses Foundation Trophy Race) at Watermania (Dalampasigang Manila Bay Charity Race).

vuukle comment

MAM CANDY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with