^

PSN Palaro

Mavs nakatutok sa NBA Finals

Pilipino Star Ngayon

DALLAS — Ipinoste ng Mavericks ang matayog na 3-0 lead matapos pabag­sakin ang Minnesota Timberwolves, 116-107, sa Game Three ng Western Conference finals.

Umiskor sina Luka Doncic at Kyrie Irving ng tig-33 points para sa pang-limang sunod na playoff victory ng Dallas at makalapit sa NBA Finals appearance.

Wala pang koponan sa NBA playoff history na nakabangon mula sa 0-3 deficit.

“We’ve got to think about next game. Gotta play with the same mentality. They’re not going to go away. No way,” sabi ni Doncic na hangad ang una niyang NBA Finals trip.

Susubukan ng Ma­vericks na mawalis ang Timberwolves sa Game Four bukas.

Nagdagdag si P.J. Washington Jr. ng 16 points kasama ang tiebreaking corner 3-pointer sa huling 3:38 minuto ng fourth quarter  habang may 11 mar­kers si Derrick Jones  Jr.

Binanderahan ni Anthony Edwards ang Minnesota sa kanyang 26 points kasunod ang 16 markers ni Mike Conley habang may 15 at tig-14 points sina Jeff McDaniels, Naz Reid at Karl Anthony-Towns, ayon sa pagkakasunod.

“We can’t be anything but positive at this point,” sabi ng 22-anyos na si Edwards. “We can’t be negative. Try to get one win at a time.”

Ang basket ni Doncic ang nagbigay sa Dallas ng four-point lead kasunod ang tirada ni Irving at alley-oop dunk ni Daniel Gafford para sa kanilang 113-105 abante sa huling 34 segundo.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Vape!
1 day ago
1 day ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with