^

PSN Palaro

Altas pinalakas ang tsansa sa Final 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Altas pinalakas ang tsansa sa Final 4
Nangibabaw sa pagkakataong ito si Kim Aurin na nagtala ng career-high 23 points habang nagpasabog si Jielo Razon ng 19 markers at anim na boards para tulungan ang Altas na sumulong sa 9-5 baraha at manatili sa Magic 4.
Joey Mendoza

Laro sa Martes(Filoil San Juan)

2 p.m.  AU vs EAC  (Srs)

4 p.m.  MU vs LPU (Srs)

MANILA, Philippines — Tuloy ang pag-angat ng University of Perpetual Help System Dalta nang ibaon nito ang Mapua University, 88-71 upang mapalakas ang kanilang tsansa sa Final Four ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nangibabaw sa pagkakataong ito si Kim Aurin na nagtala ng career-high 23 points habang nagpasabog si Jielo Razon ng 19 markers at anim na boards para tulungan ang Altas na sumulong sa 9-5 baraha at manatili sa Magic 4.

“That is the target, to keep on winning for us to reach the Final Four. We’re really working hard. You can see it in the players that they’re trying to raise their confidence just for them to get good games,” ani Altas mentor Frankie Lim.

Nakakuha ng malakas na kontribusyon ang dalawa kay Prince Eze na may double-double na 17 points at 15 boards gayundin kay Edgar Charcos na nagsumite naman ng 12 points para sa Perpetual Help.

Nanganganib na masibak ang Cardinals na nalaglag sa 4-10 kartada.

Nanguna para sa Mapua sina Warren Bonifacio na may 20 points at siyam na boards at Laurenz Victoria na gumawa ng 16 markers.

Sa ikalawang laro, ginu­lantang ng Emilio Aguinaldo College ang College of St. Benilde (CSB), 69-67  para sumulong sa 3-9.

Umiskor si JP Mangullano ng 14 points samantalang may 13 si Hamadou Laminou  para sa Generals.

Gumulong sa No. 5 ang Blazers (8-6).

Sa ikatlong laro, namayani ang Colegio de San Juan de Letran sa Jose Rizal University, 89-79  para mapatatag ang kapit sa ikatlong puwesto (10-4).

Nabaon sa ilalim ang Heavy Bombers tangan ang 2-13.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with