^

PSN Palaro

Choco Mucho babawi — Sisi

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Choco Mucho babawi � Sisi
Sisi Rondina ng Choco Mucho Flying Titans
PVL image

MANILA, Philippines — Dalawang beses nang natatalo ang Choco Mucho sa sister team na Creamline sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference Finals.

Ngunit kumpiyansa si Sisi Rondina na makakamit ng Flying Titans ang pinapangarap na kauna-unahang PVL championship.

“Lagi kong sinasabi sa kanila na tuwing naglalaro, maniwala, magtiwala at manalo. Kaya gawin lang namin iyon, wala kaming pagsisisihan kasi siyempre binigay namin ang best namin,” ani Rondina sa Choco Mucho.

Noong Disyembre ay winalis ng Cool Smashers ang Flying Titans, 2-0, na muling naulit sa katatapos lamang na 2024 PVL All-Filipino Conference best-of-there title series.

“Ayun sinabi ko lang din sa kanila na huwag na huwag tayong titigil mangarap kasi darating at darating din iyon (championships),” wika ng 5-foot-6 na outside hitter sa Choco Mucho.

Malaki rin ang naging epekto sa kampanya ng tropa ang pagkakaroon ng injury nina Aduke Ogunsanya, Kat Tolentino at Des Cheng.

Paghahandaan ng Flying Titans ang PVL Reinforced Invitational Conference na idaraos matapos ang kauna-unahang rookie draft sa Hulyo.

Sa nasabing torneo ay papayagan ang bawat koponan na magparada ng isang import habang dalawang foreign squads ang sasabak sa aksyon.

Hindi naman paglalaruin ang mga miyembro ng national team.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with