^

PSN Palaro

Gilas mas mabagsik sa pagpasok ni Boatwright

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaking tulong si Bennie Boatwright sa Gilas Pilipinas sa oras na maipormalisa ang naturalization nito.

Ito ang nakikita ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone kung saan ma­kikinabang ng husto ang national team sa pagpasok ni Boatwright.

“Bennie’s a great player. I wish he was in our Ginebra team so we could teach him more of the system,” ani Cone.

Si Boatwright ang ma­giging kahalili ni Justin Brownlee bilang natura­lized player ng Gilas.

Umaasa si Cone na mabilis na makakasabay sa sistema ng Gilas si Boatwright gaya ni Brownlee na sanay na sanay na sa estilo ng laro mga Pinoy.

“One thing that makes Justin so good is he’s been in our system for seven years. He wears the system on him, just like he’s wearing a suit on his system,” ani Cone.

Dahil sa magandang chemistry ng Gilas kasama si Brownlee, maganda ang naging resulta sa kampanya ng tropa sa mga nakalipas na international competitions.

Isa na rito ang pagsungkit ng gintong medalya ng Pilipinas sa 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China noong nakaraang taon.

Inaasahang mas magiging mabagsik ang Gilas sa oras na pumasok na si Boatwright na mas matangkad ng bahagya kay Brownlee.

Napili ng Samahang Basketbol ng Pilipinas si Boatwright dahil sa husay nito sa PBA Season 48 Commissioner’s Cup kung saan tinulungan nito ang San Miguel Beer na makopo ang kampeonato.

Nagtala ito ng averages na 30.3 points, 12 rebounds at 3.5 assists.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with