^

PSN Palaro

Perlas asam ang krusyal na panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puntirya ng BanKo Perlas ang krusyal na pa­nalo sa pakikipagtipan nito sa BaliPure-National University sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Reinforced Conference quarterfinal round sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang bakbakan ng Perlas Spikers at Water Defenders sa alas-4 ng hapon.

Lalarga rin ang duwelo ng Petro Gazz at Iriga-Navy sa alas-2 gayundin ang paluan ng  nagdedepensang Pocari Sweat-Air Force at Tacloban Fighting Warays sa alas-6 ng gabi.

Talsik na sa kontensiyon ang Iriga (1-3) at Tacloban (0-3) kaya’t maiiwan ang bakbakan para sa huling dalawang Final Four slots sa BanKo (3-0), Pocari Sweat (3-1), Petro Gazz (2-1) at BaliPure-NU (1-2).

Pinakamalapit sa semis spot ang Perlas Spikers na tunay na nagniningning sa quarterfinal round matapos kubrahin ang tatlong sunod na panalo kabilang ang makapigil-hiningang 25-17, 23-25, 28-26, 22-25, 15-12 panalo sa Lady Oragons noong Miyerkules.

Maituturing na nagpi-peak na ang BanKo Perlas patunay ang solidong galaw ng imports kasama ang local players.

Sa katunayan, pumutok ng husto si Thai reinforcement Jutarat Montripila na humataw ng 37 puntos mula sa 31 attacks at anim na blocks. Hindi rin maawat si American import Lakia Bright na nagpako ng 24 hits.

vuukle comment

BALIPURE-NATIONAL UNIVERSITY

BANKO PERLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with