^

PSN Palaro

Pinay cagers talsik sa FIBA 3x3 World Cup

Pilipino Star Ngayon
Pinay cagers talsik sa  FIBA 3x3 World Cup
Pilit na tinakasan ni Janine Ponte­jos ng Philippine team si Vega Gi­meno Martinez ng Spain.
(Kuha ni Jun Mendoza)

MANILA, Philippines — Dahil sa nalasap na ikatlong sunod na kabiguan ay tuluyan nang namaalam ang Philppine women’s team sa 2018 FIBA 3x3 World Cup.

Yumukod ang mga Pinay cagers laban sa mas malalakas at mas matatangkad na Spain squad, 17-21, sa kabila ng iniskor na 13 points ni Janine Pontejos kahapon sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nag-ambag si Gemma Miranda ng 3 points, habang may 1 points si Afril Bernardino para sa tropa ni head coach Patrick Aquino.

Nakatakda pang labanan ng Philippine team ang Hungary kagabi para sa kanilang pang-apat na asigna­tura sa torneo.

Kinuha ng mga Pinay ang 10-8 abante bago sila na­lagay sa penalty sa 6:50 minuto ng laro na siyang si­namantala ng mga Spaniards, ang No. 12 ranked, para iposte ang 3-0 record sa Pool D.

Sinelyuhan ni Paula Palomares, kumamada ng 11 points, ang panalo ng Spain mula sa kanyang undergoal stab para sa final score.

Nagdagdag sina Aitana Cuevas Mediavilla at Nuria Martinez Prat ng tig-4 markers.

Samantala, sasagupain naman ng No. 19 Philippine men’s team ang No. 14 Canada ngayong alas-4:50 ng hapon bago harapin ang No. 3 Russia sa alas-7 ng gabi sa Pool C.

Matapos talunin ang No. 6 Brazil, 15-7, ay nakatikim naman ang mga Pinoy ng 17-21 pagkatalo sa No. 11 Mongolia noong Sabado.

“We have to be better. We have to learn to play the 3x3 way,” sabi ni national team coach Ronnie Magsanoc sa tropa nina Stanley Pringle, Christian Standhardinger, Troy Rosario at RR Pogoy.

vuukle comment

2018 FIBA 3X3 WORLD CUP

PHILPPINE WOMEN’S TEAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with