^

PSN Palaro

Creamline didiretso na sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilalabas ng Creamline ang lahat ng alas nito laban sa BaliPure-National University para masungkit ang unang outright semis slot sa Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference.

Magkukrus ang landas ng Cool Smashers at mapanganib na Water Defen­ders sa alas-2 sa The Arena sa San Juan City na susundan ng duwelo ng PayMaya at Petro Gazz sa alas-4.

Nangunguna ang Cool Smashers na may 4-1 rekord kung saan isang panalo na lamang ang kailangan nito para awtomatikong masikwat ang unang silya sa semis.

Magkasalo ang High Flyers at Water Defenders sa No. 2 tangan ang parehong 3-2 baraha samantalang nasa three-way tie sa No. 3 spot ang Petro Gazz, Pocari Sweat-Air Force at Tacloban na may magkakatulad na 3-3 rekord.

Mataas ang laro ng Cool Smashers na nakasakay sa three-game winning streak kabilang ang 25-14, 27-25, 26-24 panalo laban sa Tacloban Fighting Warays noong Linggo.

Nagningning sa natu­rang panalo si team captain Alyssa Valdez na may 22 puntos ngunit malaki ang suportang nakukuha nito mula kay Thai import Kuttika Kaewpin na may 16 markers gayundin kina Nikolina Asceric at Risa Sato kasama si playmaker Jia Morado.

Subalit daraan sa pagsubok ang Cool Smashers sa kamay ng Water Defenders na nagtataglay ng mga bagito ngunit palaban na mga players.

vuukle comment

BALIPURE-NATIONAL UNIVERSITY

CREAMLINE

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with