^

PSN Palaro

San Sebastian, Lyceum magkakaalaman na

FCagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala ng ibang araw pa para sa Zark’s Burger-Lyceum at Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian sa kanilang pagtatagpo ngayon sa do-or-die game ng best-of-three finals series sa 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Inaasahan ang mainit na laban sa kanilang pag­haharap sa alas-4 ng hapon upang pag-agawan ang titulo ng season ope­ning conference.

Tabla ang Jaw­breakers at  Revellers sa 1-1 sa serye kung saan nagwagi ang tropa ni coach Stevenson Tiu sa Game 1 (107-103) noong Abril 24, ngunit bumawi naman ang Jawbreakers sa Game 2 (98-90) noong Abril 26.

Kung mananalo ang Jawbreakers ni coach Topex Robinson ay sila pa lang ang kauna-unahang lowest-ranking team na nag-uwi ng korona bilang sixth seeded team pagtatapos ng elimination round habang ang Jawbreakers ay fourth seeded team.

Sasandal si Robinson kina  MVP CJ Perez, Jaycee Marcelino at Mike N­zeusseu laban kina Samboy de Leon, Cedrick Ablaza at Allyn Bulanadi at Michael Calisaan ng Revellers.

“Beterano ‘yung mga players ko kaya naniniwala pa rin ako sa kanila. Their will to win is always there at hanggang nandoon ‘yun, may chance pa kami,” ayon naman kay Tiu.

vuukle comment

2018 PBA D-LEAGUE ASPIRANTS’ CUP

ZARK’S BURGER-LYCEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with