^

PSN Palaro

Biado, Kiamco isinalba ang Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpatuloy ang ma­gan­dang pagtumbok nina Carlo Biado at Warren Kiam­co para maibsan ang pagkatalo ni Dennis Orcollo sa pagpapatuloy ng 40th US Open 9-Ball Championship sa Sheraton Waterside sa Norfolk, Virginia.

Nangibabaw si Biado kay Thorsten Hohmann ng Germany, 11-3, habang dinaig ni Kiamco si Jason Klatt ng Canada, 11-9, sa round two.

Sunod na kalaban ng da­ting number one player sa mundo na si Biado si Jayson Shaw habang si Kiamco ay masusukat kay Ralf Souquet ng Germany.

Hindi naman pinalad ang pumangalawa noong nakaraang taon na si Orcollo nang natalo kay Dang Jin-hu ng China, 8-11 para bumaba sa lo­ser’s side.’

Lalabas si Orcollo bilang ikaanim na Pinoy cue-artist na nasa loser’s bracket at ang limang nauna ay lu­malaban pa nang nanalo sa kanilang mga asignatura.

Si Roberto Gomez ay nanaig kay Frankie Hernandez ng Puerto Rico, 11-6; si Francisco Felicilda ay nagwagi kay Ernesto Dominguez ng Mexico, 11-9; si Jeffrey Ignacio ay dinurog si Robert Ferry ng US, 11-1;  si Jundel Mazon ay inilampaso si Joshua Padron ng US, 11-2 at si Ramil Gallego ay pinagpahinga si Cleiton Rocha ng US, 11-7. (AT)

vuukle comment

ACIRC

BALL CHAMPIONSHIP

BIADO

CARLO BIADO

CLEITON ROCHA

DANG JIN

DENNIS ORCOLLO

ERNESTO DOMINGUEZ

FRANCISCO FELICILDA

FRANKIE HERNANDEZ

JASON KLATT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with