^

PSN Palaro

Puwestuhan na lang sa Cardinals, Heavy Bombers

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

2 p.m.  La Salle-Greenhills vs Arellano (step ladder semis jrs.)

4 p.m.  Jose Rizal U vs Mapua (playoff srs.)

 

MANILA, Philippines –  Higit sa puwesto, ang magkaroon ng momentum papasok sa mahirap na Final Four sa 91st NCAA men’s basketball ang hanap ng host Mapua Cardinals  at Jose Rizal University Heavy Bom­bers sa kanilang pagtutuos ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa ganap na alas-4 ng hapon gagawin ang ta­gisan at ang mananalo ang siyang ookupa sa ikatlong puwesto sa semifinals na lalarga sa susunod na linggo.

Nangailangan ng playoff sa seniors dahil pa­re­hong may 12-6 marka ang Cardinals at Heavy Bombers sa pagtatapos ng double-round elimination.

Ang Arellano Chiefs ay tumapos din sa 12-6 karta pero sinibak sila ng Cardinals,  93-75, noong Martes.

Wala namang makukuhang malaking bentahe ang mananalo sa larong ito dahil ang  lalabas na number three ay makakaharap ang pumapangalawang Letran Knights habang ang matatalo ang kasukatan ng 5-time defending champion at top seed San Beda Red Lions.

Sisimulan naman ang step-ladder semifinals sa juniors division sa pagtatapat ng La Salle-Greenhills at Arellano sa ganap na alas-2 ng hapon.

Ang mananalo rito ang katunggali ng number two seed Mapua na may twice-to-beat advantage sa labanan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG ARELLANO CHIEFS

ARELLANO

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL U

LA SALLE-GREENHILLS

MALL OF ASIA ARENA

NBSP

PASAY CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with