^

PSN Palaro

No entry

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Simula na ang sparring ni Manny Pacquiao sa Los Angeles.

At ngayon pa lang ay nag-issue na ng warning si Freddie Roach sa mga miyembro ng Team Pacquiao na mag-ingat sa mga espiya.

“We can’t have spies in the gym,” ang paniguro ni Roach.

Sa laban kasi ni Pacquiao kay Chris Algieri nung Nobyembre sa Macau ay pumutok ang  butsi  ni  Roach sa loob ng gym.

May napansin kasi siyang dalawang tao na kumu­kuha ng video habang nasa ensayo si Pacquiao.

Nagtanung-tanong siguro si Roach at ayon sa kanyang intelligence sources ay mga miyembro ito ng Team Algieri.

Bihirang magalit si Roach. Pero sa araw na yun ay muntik siyang ma-high blood. Sumigaw si Roach at pinalayas ang dalawa sa gym.

Itinanggi naman ito ng mga tao at ang palusot ay gumagawa sila ng dokumentaryo ng laban.

Hindi naniwala si Roach.

Kaya sa darating na mga araw sa Wild Card Gym sa Los Angeles ay mahigpit na ipapatupad ni Roach ang “off limits” na batas.

Walang puwedeng makapasok lalu na kung may sparring si Pacquiao.

Maging sino ka man.

Sana naman ay maintindihan ito ng mga tao. Ka­ming mga miyembro ng press ay sumusunod dito.

Pag sinabing off limits, eh di off limits.

Ang ayaw lang namin ay ang kami ang nasa labas ng gym pero kung sinu-sinong amuyong ang labas pasok sa gym.

Sana ay maipatupad ang batas na patas.

Off limits kung off limits.

vuukle comment

CHRIS ALGIERI

FREDDIE ROACH

LOS ANGELES

PACQUIAO

ROACH

SANA

TEAM ALGIERI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with