PSC/POC 2 sports facilities ang ipapatayo sa Clark
MANILA, Philippines – Hindi lamang isa kundi dalawang sports facilities ang gustong ipatayo ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Clark, Pampanga.
Sa idinaos na occular inspection kahapon sa Clark Freeport na pinamunuan nina House Committee on Youth and Sports chairman Anthony Del Rosario ng Davao, vice-chairman Yeng Guiao ng Pampanga, PSC chairman Ricardo Garcia at POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. ay pinasadahan ng grupo ang mga lupain ng Clark International Airport Corporation (CIAC) at ng Bases Conversion Development Authority (BCDA).
Nagkaisa ang mga opisyales na parehong piliin ang CIAC at ang BCDA para maging lugar ng pagtatayuan ng bagong sports facilities.
“We only identified the area now. May area na tayo, which is a big start. And now we’ll try to look for the funding,” sabi ng Pampanga Congressman na si Guiao.
Sinabi nina Garcia at Cojuangao na ang 50-ektaryang CIAC at ang 35-ektaryang BCDA ang magiging “short, medium and long term” para sa pagtatayo ng pasilidad.
Pondong P3.5 bilyon ang kakailanganin para maipatayo ang sports facilities sa tulong ng Kongreso at Senado.
- Latest