^

PSN Palaro

Lady Archers babawi sa kabiguan; Bulldogs, Falcons magsasalo sa unahan

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Babangon ang La Salle Lady Archers mula sa pag­lasap ng unang pagkatalo, habang patutunayan ng UP Lady Maroons na palaban pa rin sila kahit wala na ang isang key player.

Katunggali ng Lady Ar­chers ang FEU Lady Ta­maraws na magsisimula ma­­tapos ang tagisan ng La­dy Maroons at UE La­dy Warriors ngayong alas-2 ng ha­pon sa 77th UAAP wo­men’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Mauunang sasagu­pa ang mga koponan sa men’s division at ang nag­de­depensang kampeong National University Bulldogs ay haharapin ang UP Maroons sa alas-8 ng umaga kasunod ang banggaan ng Adamson Fal­­cons at La Salle Archers sa alas-10.

Parehong pakay ng NU at Adamson na manatili sa unahang puwesto kung mai­susulong ang nangu­ngunang 6-1 baraha.

Dumapa ang dating kam­peong Lady Archers sa nagdedepensang Ateneo Lady Eagles sa pagtatapos ng first round elimination noong Enero 11 sa dikitang 22-25, 27-25, 25-16, 14-25, 9-15 iskor.

Siyam na araw na ang na­kalipas at tiyak na naroroon muli ang sigla sa Lady Archers sa pamumuno ni Ara Galang upang maulit ang inangking 25-16, 21-25, 25-23, 25-22 panalo sa naunang pagtutuos nila ng Lady Tamaraws noong Dis­yembre 10.

Samantala, maglalaro ang Lady Maroons na hindi kasama si Katherine Bersola na nagkaroon ng ACL injury sa laban nila kontra Adamson Lady Falcons na kanilang napanalunan.

Naghahatid si Bersola ng 12 hits kada laro at dapat ay na itaas pa nina  Angeli Pauline Araneta at Arianne Elise Ilustre ang ipakikitang laro para may makatuwang si Nicole Anne Tiamzon na nasa ikaapat na puwesto sa scoring tangan ang 116 total score o 16.6 hits ave­rage.

May 3-4 karta ang UP at kasalo  ang FEU at Adam­son.

vuukle comment

ADAMSON FAL

ADAMSON LADY FALCONS

ANGELI PAULINE ARANETA

ARA GALANG

ARIANNE ELISE ILUSTRE

LADY

LADY ARCHERS

LADY MAROONS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with