^

PSN Palaro

Mayweather gustong lampasan ang record ni Rocky Marciano

Joaquin M. Henson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa nakaraang dalawang laban ni Floyd Mayweather, Jr. ay lumalabas na ang kahinaan nito.

Para kina boxing trainer Freddie Roach at conditioning coach Justin Fortune, walang dudang tatalunin ni Manny Pacquiao si Mayweather kung ito ang nakaharap ng Filipino boxing superstar imbes na si Chris Algieri sa Macau, China noong Nobyembre.

Idinagdag pa ni Roach na maaaring napabagsak pa ni Pacquiao si Mayweather.

Ibinase ni Roach ang kanyang pahayag hindi lamang sa anim na beses na pagpapatumba ni Pacquiao kay Algieri para sa kanyang unanimous decision win kundi sa mahinang ipinakita ni Mayweather sa kanyang huling dalawang laban kontra kay Marcos Maidana.

Ayon kay Roach, hindi na si Mayweather, ipagdiriwang ang kanyang ika-38 kaarawan sa Pebrero, ang da­ting kinatatakutang boksingero.

Naipanalo ni Mayweather ang pito sa kanyang hu­ling walong laban via decision maliban sa kanyang kon­trobersyal na sucker-punch knockout kay Victor Or­tiz noong 2011.

Hindi pa nakakapagtala si Mayweather ng isang le­gitimate stoppage sapul nang talunin si Ricky Hatton no­ong 2007.

Ang dalawa naman sa pitong distance victories ni May­weather ay sa pamamagitan ng majority decision.

Matapos ang laban niya kay Hatton ay hindi na na­ging aktibo si Mayweather, naging pro boxer noong 1996.

Hindi siya nakita sa aksyon noong 2008 at tig-isang beses lamang lumaban noong 2009, 2010, 2011 at 2012.

Sinabi ni Roach na pinatatagal ni Mayweather ang kanyang career sa pamamagitan ng hindi pakikipagsa­bayan sa kanyang mga nakakalaban.

Mahigpit niyang pinipili ang gusto niyang kalabanin para palakasin ang kanyang tsansang malampasan ang malinis na 49-0 win-loss ring record ni boxing legend Rocky Marciano.

Kasalukuyang bitbit ni Mayweather, ang American world five-division titlist, ang kanyang 47-0, kasama rito ang 26 KOs.

May natitira pang dalawang laban si Mayweather sa kanyang $250 million Showtime deal.

Ang mga ito ay maaaring mangyari sa May at Set­yem­bre ngayong taon.

vuukle comment

CHRIS ALGIERI

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

JUSTIN FORTUNE

KANYANG

MARCOS MAIDANA

MAYWEATHER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with