^

PSN Palaro

Del Rosario umabante sa WBC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabante si Liza del Rosario sa top 24 sa kanyang pag-upo sa ikalawang puwesto matapos ang 20-game qualifying series sa Qubica AMF Bowling World Cup sa Sky Bowling Center sa Wroclaw, Poland.

Nagpagulong si Del Rosario, sumegunda noong 2001 sa Pattaya, Thailand, ng 4439 pinfalls para sa kanyang 45 pins na agwat sa nangungunang si Brittni Hamilton ng United States.

Nangailangan naman si Amandine Jacques ng France ng 170 pins sa kan­yang huling laro para makasama sa susunod na round.

Ang top eight bowlers mula sa 24 na umabante ang maglalaro sa round robin stage ng torneo.

Si Daria Kovalova ng Ukraine ay nasa No. 8 spot sa kanyang 4314 sa itaas ni Martina Schutz (4303) ng Germany.

Nasa No. 13 naman si defending champion Ca­roline Lagrange ng Ca­nada sa itinalang 4285, habang No. 17 si two-time champion Aumi Guerra ng Dominican Republic sa kanyang 4246.

Sa men’s division, nagpatuloy ang pangunguna ni Tobias Bording sa 20-game qualifying series.

Abante siya ng 170 pins kay Mykaylo Kalika ng Ukraine.

vuukle comment

AMANDINE JACQUES

AUMI GUERRA

BOWLING WORLD CUP

BRITTNI HAMILTON

DEL ROSARIO

DOMINICAN REPUBLIC

MARTINA SCHUTZ

MYKAYLO KALIKA

NASA NO

SI DARIA KOVALOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with