CALABARZON, WV may ginto na
STA. CRUZ, Laguna--Isang tubong Zamboanga City na lumaki sa Biñan, Laguna ang umangkin sa unang gintong medalyang inilaan para sa pagsisimula ng aksyon sa 2014 PalaÂrong Pambansa kahapon dito.
Naghagis si Zeanne Faith Cabrera ng CALABARZON ng layong 40.31 metro para sikwatin ang gold medal sa secondary girls’ javelin throw.
“Masayang-masaya po kasi ako ang unang kumuha ng gold medal,†sabi ng 16-anyos na si Cabrera, mag-aaral ng kolehiyo sa FEU at pinagpipilian ang Criminology at Civil Engineering course.
Tinalo ni Cabrera sina Monica Louise Andaya (39.36m) ng National Capital Region at Jeremay Rubias (38.06m) ng Western Visayas.
Isang first-timer naman sa Palaro ang nagbulsa ng ginto sa secondary boys’ long jump.
Lumundag ang 15-anÂyos na si Jose Jerry BeliÂbestre ng Western Visayas ng 7.08m para angkinin ang gold medal kasunod sina Martin James Esteban (6.70m) at Erson Osaka (6.55m) ng Region II.
“First time ko pa lang sumali dito sa Palaro, kaya nu’ng manalo ako ng gold talagang masayang-masaya ako,†ani Belibestre, isang third year student sa Romanito Maravilla National High School.
Samantala, hindi naman nakarating sa opening ceremony si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao dahil sa kondisyon ng kanyang ikalimang anak.
- Latest