Poa, nagbitiw bilang tagapagsalita ng depensa ni VP Sara
MANILA, Philippines — Nagbitiw bilang tagapagsalita ng defense team ni Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial si Atty. Michael Poa.
Ito ang sinabi ni Atty. Justin Nicol Gular, dahil sa nakatakda itong isalang bilang testigo sa impeachment court.
Si Poa ay inaasahang tatawagin ng House prose?ution panel bilang testigo sa impeachment laban kay VP Sara ngayong Miyerkules.
Dagdag pa ni Gular, sa ngayon ay siya muna ang magsisilbi bilang deputy spokesperson ng depensa ni VP Sara.
Tiniyak rin ni Gular na simula nang matukoy na magiging testigo si Poa ay itinigil na ng kanilang team ang pakikipag-komunikasyon dito bilang respeto na rin sa impeachment proceedings.
Bukod dito, hindi na rin aniya nananatili si Poa sa holding room ng depensa sa Senado.
- Latest




















