OVP custodians sa secret funds ni Sara, kulong at sibak ang sasapitin
MANILA, Philippines — Kapag nabigo na ma-account at paiiralin ang pagiging ignorante kung saan napunta ang confidential funds ni VP Sara Duterte ay namemeligrong makulong at madismis pa sa serbisyo ang mga fund custodians ng Office of the Vice President (OVP).
Ito naging ang babala ni Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union na ito ang seryosong maaring kaharapin ng mga fund custodians ni VP Duterte na nililitis sa Senate impeachment court na ngayon ay patapos na sa Article 1 o paggasta ng P612.5 milyong confidential funds na umano’y nabahiran ng irregularidad.
Binigyang diin ni Ortega na ang responsibilidad o pananagutan sa confidential funds ay nasa balikat ng mga accountable officers kabilang si Gina Acosta, Special Disbursing Officer (SDO) ng OVP.
Una nang sinabi ni Acosta na ang confidential funds ng OVP na umaabot sa P500 milyon ay apat na beses na tig P125 milyon niyang itinurnover kay Col. Raymund Dante Lachica,dating Chief ng Vice Presidential Security Group (VPSPG) dahilan ito umano ang nag-implementa sa mga proyekto at namahagi ng nasabing pera sa instruksiyon ni VP Duterte.
“Dapat siya po ang pinaka may alam. Siya po ang pinaka-naiintindihan kung saan nanggaling ‘yun at saan po napunta at paano po prinoseso lahat.Kasi siya po ang inutusan eh,” ani Ortega dahilan sa pagtestigo ni Acosta ay sinabi nitong wala siyang alam kung paano ginasta ang pera.
- Latest




















