^

PSN Palaro

14 PATAFA coaches pinagre-resign IAAF inatasan si GTK na imbestigahan sina Sy, Hamero

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumuo si PATAFA president Go Teng Kok ng komite na susuri sa kasong kinakaharap nina Joseph Sy at Rosalinda Hamero.

Ang aksyon ni Go ay hiwalay sa ginawang im­bes­­­tigasyon ng PSC at ito ay bilang pagtalima sa reko­mendas­yon ng International Athletics Federation (IAAF) at Asian Federation.

“I have talked with the IAAF and AAA and they told me on things that I should do and not to do. They told me that the investigation being done by PSC may fall under government intervention. So I will form a separate committee to look into allegations against Sy and Ha­mero,” wika ni Go.

Kasabay nito ay hiningi rin ni Go ang courtesy resignation ng lahat ng 14 coaches na nasa PATAFA para bigyan siya ng laya sa ginagawang paglilinis sa kanilang hanay.

Si Sy ay inalis na rin bilang head coach at itinalaga si Agustin Jarina bilang acting head coach.

Inatasan din niya si Jarina na kausapin ang kanilang hanay upang ayusin ang mga problema na nagresulta para magkaroon ng paksyon sa PATAFA.

Nakausap na rin ni Go si three-time SEA Games gold medalist Henry Dagmil at coach Arnold Villarube na gumawa ng hakbang para lalong madiin si Sy.

Si Dagmil na alaga ni Sy mula pa noong naglalaro ito sa Mapua ay sinabing tunay na pinabayaan siya nito mula noong napasok sa national team noong 2000 at ibinuko pa na nagpapautang at kinukuha ang ATM ng mga umutang.

Sa kabilang banda, si Villarube ay isa sa apat na PATAFA members na nagsagawa ng affidavit para pa­tunayan na hawak ni Sy ang kanilang ATM.

Tiniyak din ni Go na ga­­gawin niya ang lahat upang maayos na ang prob­lema at maibalik ang magandang samahan sa PATAFA.

Samantala, sa Biyernes pa makakapagsumite ng rekomendasyon ang 3-man panel na nag-im­bestiga sa problema nina Sy at Hamero.

Sina POC chairman Tom Carrasco Jr., PSC Legal head Atty. Yen Chan at badminton coach Allan de Leon ang sumuri sa akusasyon sa dalawa at may hinihintay pang pa­­peles bago pormal na maibigay ang kanilang re­ko­mendasyon sa PSC board. (AT)

vuukle comment

AGUSTIN JARINA

ARNOLD VILLARUBE

ASIAN FEDERATION

GO TENG KOK

HENRY DAGMIL

INTERNATIONAL ATHLETICS FEDERATION

JOSEPH SY

SHY

SY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with